^

Bansa

‘Auring’ lumabas na

Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tuluyan nang lumabas ng bansa ang bagyong Auring na kauna-unahang sama ng panahon na pumasok sa bansa ngayong 2013.

Gayunman, nananati­ling nasa ilalim ng signal number 1 ang Southern Palawan habang patuloy na dumaranas ng pag-uulan ang ilang bahagi ng ating bansa.

Alas-11 ng umaga kahapon, ang sentro ni Auring ay huling namataan sa layong 330 kilometro sa timog kanluran ng Puerto Princesa City taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 80 kilometro bawat oras.

Patuloy namang binabalaan ng Pag Asa ang mga residente ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa patuloy na pag-uulan doon bunga ng pagsasalubong ng ha­ngin mula sa karagatang Pasipiko at malamig na hanging amihan mula naman sa hilagang bahagi ng ating bansa.

AURING

GAYUNMAN

MINDANAO

PAG ASA

PASIPIKO

PATULOY

PUERTO PRINCESA CITY

SOUTHERN LUZON

SOUTHERN PALAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with