^

Bansa

Cancer patient namatay sa eroplano

Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang Pinoy na sumailalim sa gamutan o medikasyon sa Estados Unidos dahil sa sakit na cancer ang nasawi sa loob mismo ng sinasakyang eroplano habang pauwi na sa Pilipinas.

Sa report na tinanggap ng Manila International Airport Authority mula sa Philippine Airlines (PAL), kinilala ang Pinoy na si Daniel Samson, 59, isang umano’y cancer patient  at sumailalim sa cancer treatment session sa US.

Si Samson ay nasawi matapos na dumanas ng cardio-respiratory arrest o atake sa puso habang lulan ng PAL flight PR-10 may isang oras at kalahati bago mag-stopover ang  eroplano sa Guam.

Nabatid na sinubukan pa umanong i-revive si Samson ng isang doktor na nakilalang si Purificacion Marquez na kasama sa mga pasahero ng eroplano sa pamamagitan ng manual cardio-pulmonary resuscitation at defibrillator gadget subalit hindi na rin nakaligtas.

Napag-alaman na may kanser sa tiyan si Samson at nagtungo sa US para magpagamot. Kasama nito ang kanyang maybahay sa nasabing flight.

DANIEL SAMSON

ESTADOS UNIDOS

ISANG PINOY

KASAMA

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

NABATID

NAPAG

PHILIPPINE AIRLINES

PILIPINAS

PURIFICACION MARQUEZ

SI SAMSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with