^

Bansa

PNoy mangangampanya para sa LP senat’l bets

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inamin ng Malacañang na mismong si Pangulong Aquino ang mangangampanya para sa senatorial ticket ng administrasyon sa dara­ting na May 2013 elections matapos na hindi pumapasok sa magic 12 ng iba’t ibang surveys ang mga ‘bata’ ng Liberal Party.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, tutulong mismo ang Pangulo sa pangangampanya ng mga kandidato nito sa senatorial race gaya ng naunang inihayag ng chief executive.

Lumilitaw sa iba’t ibang surveys na hindi pumapasok ang mga ‘bata’ ni PNoy sa Liberal Party tulad nina Sen. Ramon Magsaysay Jr. at Sen. Jamby Madrigal gayundin ang mga guest candidate ng coalition na sina dating Akbayan Rep. Rissa Hontiveros, dating MTRCB chair Grace Poe Llamanzares at presidential cousin Bam Aquino.

Ang tanging kasama sa magic 12 sa mga surveys ay ang mga guest candidate ng administration coalition tulad nina Sen. Loren Legarda, Sen. Chiz Escudero, dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar at Sen. Koko Pimentel.

Ayon kay Lacierda, ilang piling lugar lamang ang sasamahan ni Pangu­long Aquino sa pangangampanya ng kanyang mga kandidato.

Samantala, isang kaalyado na naman ng administrasyon mula sa Akbayan partylist ang itinalaga ni PNoy bilang undersecretary ni Presidential Political Adviser Ronald Llamas na miyembro rin ng Akbayan.

Itinalaga ni Aquino bilang undersecretary ng Office of the Presidential Political Adviser si Tomasito Villarin.

Iginiit din ni Sec. Lacierda na walang halong pulitika ang pagpapalabas ng pork barrel ng DBM para sa Dinagat island matapos na italagang caretaker ng lalawigan si Akbayan Partylist Rep. Kaka Bag-ao matapos sipain na ng Kamara si convicted Rep. Ruben Ecleo sa graft case nito.

Nitong Oktubre ay nag­hayag si Rep. Bag-ao na plano nitong tumakbo bilang kinatawan ng Dinagat island pro­vince matapos na palitan na siya bilang nominee ng Akbayan Partylist ni da­ting Undersecretary Ibarra Gutierrez ng Office of the Presidential Political Adviser.

 

AKBAYAN

AKBAYAN PARTYLIST

AKBAYAN PARTYLIST REP

AKBAYAN REP

AQUINO

BAM AQUINO

CHIZ ESCUDERO

CYNTHIA VILLAR

LIBERAL PARTY

OFFICE OF THE PRESIDENTIAL POLITICAL ADVISER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with