^

Bansa

Kasambahay Bill pirma na lang ni PNoy ang kulang

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gusto ni San Juan City Rep. JV Ejercito na madaliin ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagpirma sa Domestic Wor­kers’ Act Bill o ang Kasambahay Bill para ganap na itong maging batas para sa ikabubuti ng may dalawang milyong ‘household helpers’ sa buong bansa.

Ayon kay Ejercito, na­ra­tipika na sa Kongreso ang nasabing Kasambahay Bill at hinihintay na lamang na mapirmahan ito ni PNoy para maging batas.

“I am just wondering what keeps President Aquino from signing the Kasambahay bill,” ani Ejercito. “I’m appealing to his sense of compassion. I hope he will realize the importance of the measure to lowly household helpers, some of whom are being maltreated by abusive employers,” sabi pa niya.

Dagdag pa ni Ejercito, ang mga kasambahay ay patuloy na malalagay sa bingit ng alanganin tulad ng pagmamaltrato sa kanila ng kanilang mga amo hangga’t hindi ito naisasabatas.

Sa ilalim ng Kasambahay Bill, sasahod ang isang katulong ng P2,500 minimum sa Metro Manila, P2,000 sa chartered cities at first-class municipalities at P1,500 sa ibang lugar. 

Bukod sa sahod ay ka­ilangan din nilang bigyan ng 13th month pay, mga benepisyo tulad ng pagi­ging kasapi sa SSS, Philhealth at Pag-ibig.

ACT BILL

AYON

BUKOD

DOMESTIC WOR

EJERCITO

JUAN CITY REP

KASAMBAHAY BILL

METRO MANILA

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with