^

Bansa

2 pulis, 1 sundalo nagpaputok ng baril

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang pulis at isang sundalo ang nasangkot sa indiscriminate firing kaugnay ng pagsa­lubong sa Bagong Taon.

Sinabi ni PNP Chief Director General Alan Pu­ri­sima na sa kabuuang 18 kataong nasakote mula Dis­yembre 16, 2012 hanggang Enero 1, 2013 sa kasong indiscriminate firing, dalawa sa mga pulis ang su­muway sa kaniyang utos at isang sundalo.

Samantala ang 15 pa ay mula sa hanay ng mga sibilyang gun owners.

Ayon kay Purisima, ang dalawang pasaway na pulis ay nanganganib na masibak sa serbisyo. Sumasailalim na ang mga ito sa pre-charge evaluation na bahagi ng proseso sa summary dismissal.

Gayunman, tumanggi muna si Purisima na tukuyin ang dalawang pulis pero sinabing isa ay mula sa Region 1 at isa sa Region 6.

Ang sundalo ay mi­yembro naman ng Philippine Army na nakatalaga sa Pangasinan.

Nang matanong naman si AFP Deputy for Public Affairs Office Major Emmanuel Garcia, sinabi nito na walang report sa kanila na may sundalong nasangkot sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa Bagong Taon pero ipinabeberipika na ng liderato ng AFP ang ulat.

Idinagdag pa nito na kung retirado na ang nag­paputok ay hindi ito saklaw ng disciplinary action na ipinapataw ng AFP at maari rin aniyang isuot ng mga sibilyan ang kanilang uniporme.

Una rito ay ipinagmamalaking inihayag ng AFP na hindi nagpa­putok ng baril ni isa man sa 125,000 puwersa ng Armed Forces of the Phi­lippines kaugnay ng naka­lipas na pagsalubong sa Bagong Taon matapos inspeksyunin ang mga baril ng mga sundalo.

Sinabi rin ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Bur­gos Jr. na maging ang mga opisyal ng AFP ay wala ring nagpaputok ng baril na nagkasya na lamang sa pagtoto­rotot, pagpapatugtog ng musika at pagsasayaw sa nasabing okasyon.

 

ARMED FORCES OF THE PHI

ARNULFO MARCELO BUR

BAGONG TAON

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PU

PHILIPPINE ARMY

PUBLIC AFFAIRS OFFICE CHIEF COL

PUBLIC AFFAIRS OFFICE MAJOR EMMANUEL GARCIA

PURISIMA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with