Tubo ng tubig sa NAIA sumabog
MANILA, Philippines - Sinimulan ng mga trabahador sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pagkumpuni sa nasirang tubo ng tubig sa may arrival curbside ng Terminal 1 matapos itong sumabog noon araw ng Pasko dakong alas-4:30 ng hapon.
Sinabi ni Airport terminal 1 manager Dante Basanta, inumpisahan ng gawin ang basag na mga tubo na siyang nagbibigay ng supply ng tubig sa mga palingkuran sa arrival area kabilang ang ilang hotel lounge.
Ayon kay Basanta, noong araw isa sa pangunahing problema ng airport ay ang patubig dito dahil umaasa lamang sila sa supply ng deep well sa loob halos ng 30 years pero ng humingi sila ng tulong sa Maynilad Water Services Inc. (Maynilad) ay lumakas at gumanda ang daloy ng tubig sa paliparan.
- Latest