^

Bansa

US visa application sarado ngayon

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inianunsyo ng US Embassy sa Manila na hindi sila magpo-pro­seso ng visa applications ngayong Lunes, Disyembre 31, 2012 na pista opisyal sa Pilipinas.

Ayon sa US Embassy Non-immigrant Visa (NIV), ang mga nakatakdang mag-apply o kumuha ng visa ngayong Lunes ay muling itatakda sa ibang araw ang kanilang appointment.

Inaabisuhan ng US Embassy ang mga naka-iskedyul ng nasabing araw na magpa-reschedule sa NIV.

“The applicants sche­duled on Dec. 31 may reschedule online through www.ustraveldocs.com/ph or by contacting the embassy call center at 982-5555 and 902-8930,” ayon sa kanilang abiso.

Samantala, sinabi ng Embahada ng Pilipinas sa Washington DC na sarado sila sa Enero 1 na holiday sa Pilipinas at Estados Unidos.

Ang mga Pinoy na may matinding panga­ngailangan sa Embaha­da ay maaaring tumawag sa telepono na 202-368-2767 or 202-467-9300. 

Bukas umano ang call center ng Emba­hada mula Lunes hanggang Biyernes ng alas-8 ng uma­ga hanggang alas-8 ng gabi maliban sa holidays ng Pilipinas.

vuukle comment

AYON

BIYERNES

BUKAS

DISYEMBRE

EMBA

EMBAHA

EMBAHADA

EMBASSY NON

ESTADOS UNIDOS

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with