^

Bansa

Naputukan dumami

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tila walang epekto ang mahigpit na paalala ng Department of Health (DOH) dahil patuloy na tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng mga paputok habang papalapit ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa pinakahuling re­kord, umaabot na sa 165 ang mga pasyenteng isinugod sa iba’t ibang ospital sa bansa.

Nabatid kay DOH Assistant Secretary at Spokesman, Dr. Eric Ta­yag na sa naturang bilang pinakamataas pa rin sa Metro Manila na 82.

Ang imported na paputok na “piccolo” pa rin ang pangunahing sanhi ng disgrasya matapos na maitala sa 97 ang mga tinamaan.

Nasa 14 katao naman ang nasaktan dahil sa “kwitis” habang 11 ang sugatan sa “5-star”. Lima sa mga sugatan ay kinailangang putulan.

Karamihan sa mga biktima sa Metro Manila ay isinugod sa Jose Reyes Memorial Center sa Rizal Avenue.

Ngunit ayon kay Dr. Tayag, mas mababa pa rin aniya ito kumpa­ra noong nakaraang taon na 197. 

Kaugnay nito, pina­alalahanan ng opisyal ang publiko na sa halip na gumastos sa mga paputok ay mas mabu­ting gumamit na lang ng alternatibong paraan ng pag-iingay gaya ng torotot o makisayaw na lamang sa pag-indak ng sikat na Gangnam style.

 

vuukle comment

ASSISTANT SECRETARY

BAGONG TAON

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ERIC TA

DR. TAYAG

GANGNAM

JOSE REYES MEMORIAL CENTER

METRO MANILA

RIZAL AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with