^

Bansa

De Lima dedma sa kaso ng ‘manok’ sa BuCor

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dedma lamang si Justice Secretary Leila de Lima sa kinakaharap na kaso sa Ombudsman ni dating NBI Deputy Director for Comptroller Services Rafael Ragos na kanyang itinalaga bilang pansamantalang pinuno o officer-in-charge ng Bureau of Corrections (BuCor).

Matatandaang si Ragos ay inakusahan nang hindi pagbabayad sa kontraktor ng Biometrics noong siya ay nanunungkulan pa bilang deputy director sa NBI.

Ipinagtanggol si Ragos ng kalihim at sinabi pa na hindi siya apektado sa asuntong isinampa laban sa dating NBI official.

Sa halip, iginiit ng kalihim na gusto lamang umanong warakin ng ilang grupo si Ragos para mabalam ang pag-upo niya sa Bucor.

Si Ragos ay itinalaga ni de Lima bilang pansamantalang kapalit nang nagbitiw na Bucor director na si Manuel Co.

Batay sa reklamo, umaabot sa P14-M ang hindi umano binayaran ni Ragos sa serbisyo ng Realtime Data Management Services Inc. (RDMSI) sa NBI mula Hulyo 2012 hanggang Setyembre 2012.

vuukle comment

BATAY

BUCOR

BUREAU OF CORRECTIONS

COMPTROLLER SERVICES RAFAEL RAGOS

DEDMA

DEPUTY DIRECTOR

JUSTICE SECRETARY LEILA

MANUEL CO

RAGOS

REALTIME DATA MANAGEMENT SERVICES INC

SI RAGOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with