^

Bansa

Bawal magsunog ng gulong sa kalsada

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagbabawal ang pagsusunog ng gulong sa mga lansangan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinabi ni Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson na noong nakaraang taon ay marami ang nagsusunog ng gulong at iba pang katulad na materyales  bilang paggunita sa bagong taon.

Aniya, hindi tama ang naturang gawain. Ang pagsunog sa gulong sa mga kalsada lalo na sa aspaltong kalsada ay nakapipinsala sa daan, nagiging sagabal sa daraanan ng mga sasakyan at nakadaragdag pa sa nararanasang polusyon.

“Ang usok mula sa mga sinunog na gulong na goma ay nakamamatay, kaya mapanganib ito sa tao lalo na sa mga bata,” sabi pa ng kalihim.

Kaugnay nito ay nananawagan ang kalihim sa PNP at local government units na mahigpit na ipatupad ang pag-ban sa pagsusunog ng mga gulong sa kalsada.

Inatasan din ng kalihim ang lahat ng regional director at district engineers ng ahensiya na makipagtulungan sa mga local na opisyal at pulisya upang maipatupad ang naturang total ban.

 

ANIYA

BAGONG TAON

GULONG

INATASAN

IPINAGBABAWAL

KAUGNAY

PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS SECRETARY ROGELIO SINGSON

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with