^

Bansa

Opisyal ng Aman lumantad sa DOJ

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang buwang pagtatago, lumutang na sa Department of Justice (DOJ) ang isa pang opisyal ng Aman Futures Group Philippines Inc. na nahaharap sa kasong estafa dahil sa umano’y pagkakasangkot sa P12 bilyong pyramiding scam. 

Humarap sa preliminary investigation si Fernando Luna kasama ang asawang si Nimfa kung saan sinum­paan ng mga ito ang kanilang isinumiteng coun­ter affidavits. Ang dalawa ay kapwa Aman board members at co-respondents ni Aman head Manuel Amalilio.

Nagpahayag naman ang mag-asawa na maging state witness sa kaso subalit ito ay pag-aaralan pa rin ng DOJ.

Sa 23 pahinang affidavit ni Luna, iginiit nito na nakahanda umano siyang makipagtulungan sa DoJ at NBI kontra kay Aman Amalilio na CEO ng kumpanya.

Sa ngayon ay may limang mga opisyal na ng Aman Futures ang nagpakustodiya sa NBI dahil sa banta sa kanilang buhay. Kabilang na rito sina Leila Lim Gan, Eduard Lim, Wilanie Fuentes, Nazelle Rodriguez at Lurix Lopez. Umaabot sa 15,000 investors mula Visayas at Mindanao ang naloko ng Aman Futures.

Samantala, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na posibleng maantala ang paglalabas nila ng reso­­lus­yon sa kaso. Paliwanag ng kalihim na binibigyan nila ng sapat na panahon ang mga inirereklamong sangkot sa pyramiding scam upang hindi sila maakusahan ng pag­labag sa due process.

 

vuukle comment

AMAN

AMAN AMALILIO

AMAN FUTURES

AMAN FUTURES GROUP PHILIPPINES INC

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDUARD LIM

FERNANDO LUNA

JUSTICE SECRETARY LEILA

LEILA LIM GAN

LURIX LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with