^

Bansa

7 patay kay ‘Quinta’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pito katao ang namatay habang tatlo pa ang nawawala sanhi ng ma­lalakas na pag-ulan na dulot ng bagyong Quinta.

Ayon sa National Di­ saster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga nasawi ang tat­long miyembro ng pamilya na nadaganan ng nabuwal na puno ng apitong ang tahanan sa Brgy. del Pilar, Maydolong, Eastern Samar.

Kinilala ang mga biktima na sina Rodrigo Busa, 56; misis na si Rosita, 50 at anak nilang si Kimjie, 7.

Tatlo rin ang nasawi sa Iloilo na sina Warlito Lutero at Erlinda Almorante ng bayan ng Janiuay, Arnulfo Bayotas ng Barotac Nuevo na pawang nalunod sa tubig baha at isa sa Aklan na si Nilo Icawalo, 54, na nalunod sa ilog sa bayan ng Malinao.

Aabot naman sa 1,915 o kabuuang 10,866 katao ang naapektuhan ng mga pagbaha sa nasabing lalawigan.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos na tatlo ring katao ang nawawala mula sa Batangas, Iloilo at Leyte.

Naitala naman sa 13, 521 katao ang naapektuhan ng bagyo sa Visayas Region.

Sa Tacloban City ay nasa 300 evacuees ang kinakanlong sa Tacloban Astrodome.

Dumanas rin ng ma­tinding pagbaha ang 19 bayan ng Iloilo bunga ng pag-apaw ng mga ilog na nakaapekto sa daang residente.

ARNULFO BAYOTAS

BAROTAC NUEVO

EASTERN SAMAR

ERLINDA ALMORANTE

EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

ILOILO

NATIONAL DI

NILO ICAWALO

RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

RODRIGO BUSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with