^

Bansa

3 biktima ng masaker na sinunog, kilala na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kilala na ng mga awtoridad ang tatlong biktima ng masaker na pawang sinunog pa ang kanilang mga bangkay sa loob ng kotse sa San Pascual, Batangas noong Linggo.

Kinilala ni Chief Ins­pector Rufino Luistro, hepe ng San Pascual Police ang mga biktima na sina Herschel Cauntay, 31 anyos ng Tuwi, Batangas; Jhon Patrick Dastas, 27 ng Balayan, Batangas at Farah Partolero, 35 ng Pasay City.

Samantala, hinamon naman ni Dante Jimenez, Founding Chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) si PNP Chief Director Alan Purisima na pangunahan ang mabilisang pagresolba sa kaso upang mabigyang hustisya ang sinapit na brutal na pagpatay sa mga biktima.

“Dapat na pasukin ito ni bagong PNP Chief Purisima. Hindi hayaan ang San Pascual police mag-asikasong mag isa. Malaking challenge, ma­laking hamon ito sa kanyang pamunuan kung ang strategy ang kailangang ipatupad laban sa mga ganitong krimen,” paha­yag ni Jimenez.

Nais rin ni Jimenez na maibalik ang death penalty sa bansa upang magsilbing aral ito sa mga magtatangkang gumawa ng karumal-dumal na krimen.

“This is a very cruel act. This is why we are campaigning hard to bring back the death penalty in the country,” giit pa ni Jimenez.

Sa kasalukuyan ay tinitingnan ng pulisya ang anggulong operasyon laban sa illegal na droga ang isa sa mga posibleng motibo ng pagpatay sa mga biktima dahilan ang babaeng nasawi ay itinuturong nagsisilbi umanong lider ng mga big time drug dealer sa lalawigan.

vuukle comment

BATANGAS

CHIEF DIRECTOR ALAN PURISIMA

CHIEF INS

CHIEF PURISIMA

DANTE JIMENEZ

FARAH PARTOLERO

FOUNDING CHAIRMAN

JIMENEZ

SAN PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with