Tax evasion vs Corona malakas - Palasyo
MANILA, Philippines - Kumbinsido ang Palasyo na malakas ang ebidensiya ng gobyerno laban sa tax evasion case ni dating Chief Justice Renato Corona.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, tiwala sila kay BIR chief Kim Henares na ang ebidensiyang ginamit ng BIR laban kay Corona sa kaso nito ay ang mismong mga ebidensiya na iniharap sa impeachment court.
“May kumpiyansa naman po kami kay Commissioner Kim Henares. Ang ebidensya po ay nanggaling sa impeachment court at saka sa kanyang…Tandaan po natin, nag-issue po si dating Chief Justice Corona ng letter of authority to inspect all his bank documents at ‘yun po ay ginawa ni Commissioner Henares,” paliwanag pa ni Sec. Lacierda.
Naniniwala naman si Corona na ibabasura lamang ng DOJ ang tax evasion case na isinampa laban sa kanya.
- Latest