^

Bansa

Sigaw ng PRC commissioner: Pag-aresto ng NBI, frame up

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Frame-up umano ang ginawang pag-aresto ng ilang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa isang commissioner ng Professional Regulatory Commission (PRC) matapos na ang lumabas na resulta nang ginawang pagsusuri ng ahensiya ay negatibo sa fluorescent powder o ultra violet light examination.

Ayon kay PRC Com­­mis­sioner Alfredo “Freddie” Po, 61, ng Muntinlupa City, walang katotohanan ang naging akusasyon ng kanyang fellow Rotarian na si Ernesto delos Santos, ng Baguio City, na kinikilan umano niya ito.

Sa katunayan uma­no, mismong si Delos Santos daw ang naghagis ng pera na nagkakahalaga ng P394,000.00 sa kanyang mesa nang magpunta ito sa kanyang tanggapan noong Disyembre 5 dakong alas-4 ng hapon bilang kanyang komisyon matapos maaprubahan ang kontrata sa pagitan ng PRC at ni Delos Santos, na uupahan ng naturang ahensiya ang isa sa mga gusaling pag-aari nito sa Baguio City.

Makalipas ang kalahating oras, biglang tumawag sa cellphone si Delos Santos na ayon dito ay naibigay na niya ang naturang halaga kay Po at biglang nagdatingan ang ilang ahente ng NBI at nagsagawa na ng entrapment operation laban kay Po at inaaresto ito, kung saan pilit umano nilang pinahahawak dito ang pera, subalit hindi ito hinahawakan ni Po.

Base sa certification na inisyu ni Forensic Chemist III Julieta C. Flores, ng NBI, negatibo sa ultra violet o fluorescent powder si Po.

Dinala ang naturang commissioner sa detention cell ng NBI at may pitong araw itong nakulong na ayon dito, matinding trauma ang dinanas niya rito.

Lumilitaw naman sa record na si Delos Santos ay may kasong disbarment at nagtatago umano ngayon sa batas dahil may nakabinbin itong arrest warrant na “no bail  recommen­ded” na inisyu  ni Presi­ding  Edilberto T. Cla­ravall, ng Branch 60, Baguio City Regional Trial Court.  

Palaisipan kay Po, kung ano ang motibo ni Delos Santos sa pagpapahuli sa kanya, samantalang wala siyang nagawang pagkakasala dito at magkasama pa nga sila sa Rotary Club.

 

vuukle comment

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY REGIONAL TRIAL COURT

DELOS SANTOS

EDILBERTO T

FORENSIC CHEMIST

JULIETA C

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PROFESSIONAL REGULATORY COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with