^

Bansa

Seguridad sa halalan pinaplantsa na ng PNP

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Upang masigurong magiging mapayapa ang gagawing election sa su­ sunod na taon, sinimulan na ni PNP Chief Gen. Alan Purisima ang pakikipagpulong sa mga task force commanders sa Luzon.

Ang Luzon ay kabilang sa listahan ng 15 priority provinces sa kalagitnaan ng eleksyon sa susunod na taon.

Ayon kay Purisima, itinakda na niya ang komperensya sa Nueva Ecija Provincial Police Office sa Cabanatuan City para personal na tignan ang implementasyon ng election security campaign plan sa mga probinsya ng Abra, Pangasinan, Pampanga, Ilocos Sur, La Union, Cagayan, at Nueva Ecija.

Sabi ng heneral, magsisilbi ring oportunidad para sa provincial task force commanders na iba­hagi nila ang kanilang talaan dahil bawat isa sa kanila ay hiniling na mag-ulat sa progreso ng election security pre­pa­rations sa kanilang na­­ sa­sa­kupan. Gayundin, mag­bigay ng tapat na pananaw kung anong pamamaraang seguridad ang matagumpay at kung ano ang nararapat na baguhin.

Ang Task Force Secure and Fair Election o SAFE kung saan chairman din si Purisima ay nagsagawa pa ng mga operasyon sa kabuuang 552, 338 firearms at may 25,000 iba pa na hindi re­histrado, base sa impormasyon na ibinigay ng police intelli­gence community.

Para sa kuwenta ng mga unrenewed firearms, isa sa ipinapatupad ay ang pagpunta ng mga police commanders sa mga bahay na may mga pag-aaring armas para pa­alalahanan sila sa mang­­yayari kapag nagtatago ng hindi lisensyadong baril. Ang itinuturing na may-ari ng deliquent fire­arms ay bibigyan ng opsyon kung isusuko ang baril o ire-renew nila ang kanilang lisensya.

May 60 active private armed groups ang target ngayon para sa preemptive strikes ng awtoridad habang 47 iba pang potensyal PAGs ang pa­tuloy na minomonitor.

vuukle comment

ALAN PURISIMA

ANG LUZON

ANG TASK FORCE SECURE AND FAIR ELECTION

CABANATUAN CITY

CHIEF GEN

ILOCOS SUR

LA UNION

NUEVA ECIJA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with