^

Bansa

PNP magdadagdag ng puwersa sa Cebu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakahanda ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magdagdag ng karagdagang puwersa sa provincial capitol ng Cebu City sa gitna na rin ng umiinit na tensyon sa nasabing lungsod.

Ito’y matapos na magmatigas si Cebu Governor Gwendolyn Garcia na lisanin ang kaniyang puwesto kaugnay ng 6 buwang ‘suspension order’ na ipinataw kamakalawa ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Sa kasalukuyan, patuloy na nagtitipon sa kapitolyo ng pamahalaang lokal ng Cebu ang mga nagbi-vigil na tagasuporta ng gobernadora na mahigpit na binabantayan ng mga pulis para maiwasan ang pagsiklab ng kaguluhan.

Sinabi ni PNP Chief Alan Purisima na pangunahing tungkulin ng mga pulis ay panatilihin ang kapayapaan sa lugar na siyang dapat mangibabaw.

Sa isang television interview ay sinabi naman ni Garcia na hindi niya lilisanin ang Provincial Capitol at lalaban siya hanggang sa huli kung saan simula pa noong Huwebes ay hindi sila umaalis ng kanilang mga staff sa kaniyang tanggapan at wala pang tulog.

“With all due respect Sec. Roxas, I am only respecting the mandate of the people of Cebu. The Cebuanos have spoken in the last two elections,” giit nito na sinabi pang ipagpapatuloy niya ang pagsisilbi sa mga mamamayan sa kaniyang nasasakupan.

Ang gobernadora ay tumatakbong kongresista sa ikatlong distrito ng Cebu sa ilalim ng partido ng United Nationalist Alliance (UNA).

Kinuwestiyon rin ng gobernadora ang legalidad  ng ‘suspension order’ dahil labag umano ito sa batas at sa Local Government Code kung saan matapos itong suspendihin ay pinanumpa naman ng DILG si Cebu Vice Gov. Agnes Almendras Magpale.

Idinagdag pa ni Garcia na magsasampa ang kaniyang mga abogado ng Temporary Restraining Order upang harangin ang nasabing hakbangin sa umano’y pang-aagaw sa kaniya sa kapangyarihan.

AGNES ALMENDRAS MAGPALE

CEBU

CEBU CITY

CEBU GOVERNOR GWENDOLYN GARCIA

CEBU VICE GOV

CHIEF ALAN PURISIMA

GARCIA

LOCAL GOVERNMENT CODE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with