Sesyon ng Senado magbabalik sa Enero 21
MANILA, Philippines - Nagsimula na ang isang buwang Christmas at New Year Holiday ng Senado at muling magbabalik ang sesyon sa Enero 21, 2013.
Umabot sa 87 panukalang batas ang naipasa ng Mataas na Kapulungan bukod pa sa 234 panukalang batas mula sa House of Representatives buhat ng magsimula ang Third Regular Session noong Hulyo 2012.
Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, naging masipag ang mga senador sa pagpasa ng mga mahahalagang panukala na inaasahang makakatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
Kabilang sa mga importanteng panukala na naipasa ng Senado bago ang Christmas break ay ang P2.006 trilyon national budget para sa susunod na taon na nilagdaan na ng Pangulo noong nakaraang Miyerkules.
Nilagdaan na rin ng Pangulo ang sin tax bill at nakalinya na rin ang kontrobersiyal na Reproductive Health Bill.
Nasa 28 Senate bill pa ang inaasahang malalagdaan upang maging ganap na batas kabilang na ang absentee voting for media bill at Kasambahay bill na naglalayong mabigyan ng proteksyon ang mga kasambahay.
Umabot na sa 179 national at local bills ang nalagdaan at naging batas naging buhat ng magsimula ang Third Regular Session noong Hulyo 2012.
- Latest