Oplan Ligtas Biyahe ikinasa ng DOTC
MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang kanilang “Oplan Ligtas Biyahe: Krismas 2012” upang matiyak na magiging ligtas ang paglalakbay ng publiko pauwi sa kani-kanilang lalawigan ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay DOTC Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya, ang programa ay magtatagal hanggang Enero 2, ang araw kung kailan inaasahang magbabalikan na sa kani-kanilang trabaho ang mga magsisiuwing mamamayan.
Nabatid na makakatuwang ng DOTC sa programa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Tiniyak rin ni Abaya na higit pang paiigtingin ng pamahalaan ang seguridad sa lahat ng paliparan at pantalan sa bansa na tututukan ng Office of Transport Security.
Samantala, epektibo na rin umano ang Air Passenger Bill of Rights na pangangasiwaan ng Civil Aeronautics Board (CAV) sa pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport Authority.
Maging ang Oplan Isnabero ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga mapagsamantalang taxi driver na namimili ng pasahero ay pinaigting na rin.
Ang mga mananakay ng taxi na makakaranas ng pang-aabuso mula sa mga taxi driver ay maaaring tumawag sa LTFRB hotline 0921-448-7777.
- Latest