Masisibak na lokal na opisyal marami pa
MANILA, Philippines - Inaasahan na ng oposisyon sa Kamara na marami pang lokal na opisyal ng gobyermo ang masisibak o masususpinde sa pwesto lalo na ang mga hindi kaalyado ng kasalukuyang administrasyon.
Sinabi nina House Minority leader at Deputy Minority leader Milagros Magsaysay, normal na proseso na ito habang papalapit ang eleksyon. Bilang patunay tatlo na sa kanilang kapartido sa Lakas-CMD ang nasibak mula ng pumasok ang election season.
Paliwanag ni Suarez ginagawa ito bilang political posture para makontrol ang local elected officials na talaga naman umanong nangyayari kapag papalapit ang halalan.
Para naman kay Magsaysay, masyadong ha lata ang ipinataw na suspensyon kay Cebu Gov. Gwendolyn Garcia dahil bukod sa malapit na ang eleksyon ay alam naman ng lahat kung sino ang ipapalit dito.
Mariin naman pinabulaanan ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang nasabing alegasyon at sinabing walang kinalaman ang Liberal Party laban sa reklamo kay Pangasinan Gov. Amado Espino at Garcia.
Katwiran ni Evardone, ang reklamo laban kay Espino ay batay sa salaysay ng mga testigo na tumanggap umano ng jueteng payola ang gobernador samantalang ang kaso ni Garcia ay inaksiyunan lamang ng DILG at Office of the Executive Secretary kayat walang halong pamumulitika ang kaso ng dalawa.
Higit sa lahat hindi umano dapat ituro ang ehekutibo o ang LP kahit pa sinusuportahan nito ang good governance ni Pangulong Aquino.
- Latest