^

Bansa

NCRPO ‘ginigipit’ sa shabu recycling

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinupuwersa umano si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Leonardo Espina upang magpalabas na ng agarang resulta sa kanilang isinasagawang imbestigasyon ukol sa ibinunyag ni SPO3 Ale­xander Saez sa ni-recycle na shabu na ki­nasasangkutan umano ng hepe ng Taguig Police at 9 na iba pa.

Ayon sa source sa loob ng NCRPO, nais umano ng kampo ni Ta­guig Rep. Freddie Tinga na “madiin” ang Taguig Police sa shabu recycling na kasiraan naman sa kasaluku­yang administrasyon ng lungsod, gayundin ay maipalabas ang resulta nito bago pa matapos ang 30 day period na ibinigay ng NCRPO sa Regional Investigation and Intelligence Division na nag-iimbestiga sa kaso.

Una nang pinagdududahan ang motibo sa naging pagbubunyag ni Saez na kilala umanong kaalyado ng kongresista dahil na rin sa una itong lumapit sa media para isiwalat ang kanyang mga alegasyon sa halip na ipadaan ang reklamo sa PNP na kung saan siya ay kaanib bilang pulis.

Makailang beses umanong nakipag-ugnayan ang kongresista kay Espina para humingi ng update sa isinasagawa nitong imbestigasyon ngunit naging matigas naman umano ang opis­yal at sinabing nasa proseso pa ang imbestigasyon at lubhang maaga pa para magbigay ng konklusyon.

Sa panig ni Espina ay tiniyak naman nito ang patas at mabilis na pagresolba sa alegasyon ni Saez lalo pa at buong Taguig Police umano ang inaakusahan nito. Subalit kung mapapatunayan umanong paninira lamang ang mga akusasyon at walang sapat na ebidensya ay maaari ring managot si Saez. 

Ito ay matapos uma­nong umamin si Saez na ginagawa n’ya ang pag­bebenta ng mga nakumpiskang shabu habang nakatalaga ito bilang imbestigador sa Taguig Police.

AYON

DIRECTOR CHIEF SUPT

ESPINA

FREDDIE TINGA

LEONARDO ESPINA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

REGIONAL INVESTIGATION AND INTELLIGENCE DIVISION

SAEZ

SHY

TAGUIG POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with