^

Bansa

Euthanasia, same sex marriage nakalinya na

Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi na ikinagulat ng Simbahan kung isusunod na ring isusulong sa Kamara ang divorce bill.

Ayon kay Malolos Bishop Jose Oliveros, inaasahan na nila na sunod itong isasalang ng  Kongreso dahil noon pa man ay lagi nilang sinasabi na kapag naipasa ang RH bill ay isusunod na ng mga kongresista ang divorce bill, euthanasia, abortion, same sex marriage at iba pang death bills na sisira sa kasagraduhan ng kasal at pamilya.

Nakakalungkot lamang aniya na sa kabila ng kanilang paalaala ay hindi sila pinakikinggan ng mga ito dahil sa pulitika at impluwensya ng mga dayuhan na nagsusulong ng death bills.

Nangangamba si Bishop Oliveros na baka dumating ang araw ay matulad na ang Pilipinas sa Amerika at iba pang bansa sa Europa kung saan ginawang legal ang aborsyon at same sex marraige.

Gayunman, sinabi ng Obispo na patuloy na lalabanan ng Simbahang Katolika ang mga imoral na panukalang batas at umaasa siyang magiging hamon sa lahat ng mga Katoliko ang pangyayaring ito upang magising at manindigan  tayo sa mga turo at aral ng Simbahan.

“Katoliko daw sila tapos pabor sila sa RH bill. Pinagmamalaki pa nila na sila ay Katoliko. Hindi talaga nila nauunawaan ang kanilang pagiging Katoliko!“ ani Oliveros.

AMERIKA

AYON

BISHOP OLIVEROS

GAYUNMAN

KAMARA

KATOLIKO

KONGRESO

MALOLOS BISHOP JOSE OLIVEROS

SIMBAHAN

SIMBAHANG KATOLIKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with