^

Bansa

Divorce bill isusunod na

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng isunod na ng Kamara ang pagtalakay sa divorce bill matapos ang makasaysayang pagpapatibay ng Kongreso sa Reproductive Health (RH) bill.

Ito ay dahil mismong si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang nagsabi na pabor siya sa divorce bill na matagal nang nakabinbin sa komite ng Kamara.

Giit ni Belmonte, bakit kailangan pang pilitin ng mag-asawa na magsama kung hindi naman sila magkasundo.

Sa kabila naman ng hayagang pag-endorso ni Belmonte sa divorce bill, aminado naman ito na malabo na itong matalakay ngayong 15th Congress dahil sa kapos na sa panahon dahil na rin sa nalalapit na eleksyon.

Tulad din ng RH Bill, mariin din tinututulan ng Simbahang Katoliko ang divorce bill dahil sisirain umano nito ang pamil­yang Filipino.

Ikinagalak naman ni Gabriela Rep. Luz Ilagan, principal author ng divorce bill sa Kamara ang deklarasyon ni Belmonte.

Paliwanag ni Ilagan, napapanahon na upang magkaroon ng diborsyo sa Pilipinas upang mapalaya ang mga kababaihan na nakakulong pa rin sa sinasabi nitong “unhappy marriages”.

BELMONTE

BILL

GABRIELA REP

GIIT

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

IKINAGALAK

KAMARA

LUZ ILAGAN

REPRODUCTIVE HEALTH

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with