^

Bansa

DAR Chief pinasisibak… 43 magsasaka, nag-hunger strike

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinimulan kahapon ng umaga ng 43 magsasaka na kaanib sa Task  Force Mapalad (TFM) ang kanilang  hunger  strike  sa tapat  ng opisina ni Department of  Agrarian  Reform sa Elliptical Road, Diliman, Quezon City na humihiling na sibakin sa puwesto si DAR Sec. Virgilio  delos Reyes.

Ayon kay TFM-Negros president Alberto Jayme ang kanilang hunger strike ay bahagi ng kanilang apila kay Pangulong  Noynoy Aquino para sibakin sa puwesto si Delos Reyes  dahil sa kabiguan nito na maipatupad ang repormang agraryo para sa mga magsasaka.

Sinabi ni Jayme, ilan umano sa nabiyayaan ng P300 milyon tulong pinansyal  para  sa Agrarian Reform  Beneficiaries  (ARBs) sa mga magsasaka ng Negros  ay napunta sa  may 41 kooperatiba na kinokontrol ng mga panginoong maylupa sa Negros at inendorso ng DAR na kabilang sa tumanggap ng P 300-milyong loans.

Sinabi pa ni Jayme na hindi isinama ni De Los Reyes  ang  may 77,000 hectares ng private agricultural lands (PALs) mula sa Comprehensive Agrarian  Reform Program (CARP) coverage dahil kabilang umano ito sa hurisdisksyon ng Department  of Environment  and  Natural  Resources  (DENR).

AGRARIAN REFORM

ALBERTO JAYME

COMPREHENSIVE AGRARIAN

DE LOS REYES

DELOS REYES

ELLIPTICAL ROAD

FORCE MAPALAD

JAYME

NOYNOY AQUINO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with