Kabuhayan aangat sa Villar SIPAG
MANILA, Philippines - Pormal ng pinasinayan at binuksan sa publiko ang Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (SIPAG) sa Las Piñas City na itinatag nina Senador Manny Villar, Jr. at dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar upang mapalawig ang kanilang paglilingkod sa mga kapus-palad nating kababayan.
Naging pangunahing adhikain ng mag-asawang Villar at ng kanilang itinatag na Villar Foundation ang maiahon mula sa kahirapan ang ating mga kababayan.
Si Sen. Villar ang chairman ng Villar Foundation samantalang ang dating kongresista si Gng. Villar ang tumatayong managing director nito.
Sa pagkakatatag ng Villar SIPAG, iginiit ni Gng. Villar na ito ang magsisilbing tahanan para sa lahat ng kanilang mga pagsisikap at mapatupad ang mga adhikain.
Binigyang-diin ni Gng. Villar na sa pamamagitan ng Villar SIPAG, mapaiigting nila ang layuning maabot ang mas nakararaming tao na nangangailangan ng kanilang tulong, pagtaguyod, pagsasanay, impormasyon at kaalaman at iba pang bagay na makatutulong sa kanilang pamumuhay.
Nakilala ang dating kinatawan ng nag-iisang distrito ng Las Piñas sa loob ng siyam na taon o tatlong termino sa taguring Misis Hanep Buhay dahil sa walang pagod na pagbibigay ng pangkabuhayan at oportunidad na makakuha ng trabaho.
Binigyan diin din ni ex-Rep. Villar na ang Villar SIPAG ay hindi lamang showcase ng nakaraan, pangkasalukuyan at pang hinaharap na pagsisikap ng mga Villar para matulungan ang mahihirap na kababayan kundi isa itong working hub at proactive center.
Tiniyak din ni ex-Rep. Villar na seryoso sila sa kanilang kampanyang puksain ang kahirapan.
Sinabi naman ni Sen. Villar na ang Villar Sipag ang magiging sentro ng kanilang mga gawain at aksyon para sa mga kapus-palad nating kababayan.
Itatampok sa Villar SIPAG ang mga sumusunod: Poverty Alleviation Museum, SIPAG Poverty Knowledge Management Center, Nacionalista Party Museum, Reception Hall, Mini-Theater, Offices, Archives and Training Rooms.
- Latest