UP analysts: Jueteng issue vs Gov. Espino, pulitika lang
MANILA, Philippines - Naniniwala ang mga political analyst at mga propesor sa University of the Philippines (UP) na ang ginawang paglalan tad ni Bugallon, Pangasinan Mayor Rodrigo Orduna kung saan itinuro si Pangasinan Governor Amado Espino na protektor umano ng jueteng sa nasabing lalawigan ay maliwanag na “politically motivated”.
Ayon kay Dr. Perla Legaspi, director ng UP for Local and Regional Governance at dating UP vice chancellor, kuwestiyunable ang timing ng expose ni Orduna.
Sabi ni Legaspi, normal na ang paglalabas ng mga baho at mga negatibong kuwento laban sa isang pulitiko kapag nalalapit na ang eleksiyon.
Ayon naman kay Sociologist Louise Abigail Payuyo, matagal at lumang isyu na ang jueteng sa bansa subalit wala namang ginagawa ang mga kinauukulan dito.
“Ilang pangulo na natin ang nagsalita hinggil sa kampanya laban sa jueteng pero wala namang nangyari diba?” ani Payuyo.
Kasabay nito, ipinagtanggol naman ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) si Espino kasabay ang pagsabi na “hinaharas” ng administrasyon ang manok nila sa Pangasinan.
Ayon kay NPC Pangasinan Chairman Cong. Mark Cojuangco, itinaon ang expose matapos lumabas sa survey na lalampasuhin ni Espino sa pagka-gobernador ang kandidato ng Liberal Party sa naturang puwesto na si Alaminos Mayor Hernani Braganza.
“Kung talagang gusto ni Orduna masawata ang jueteng bakit si Espino ang isiniwalat niya at hindi iyong mga pinagkukunan niya ng jueteng payola tulad ng mga operator mismo?”, tanong ni Cojuangco.
- Latest