^

Bansa

Malaysian JI bomber utas sa SWAT

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ng sniper ng Special Weapons And Tactics (SWAT) team ang isang Malaysian na pinaghihinalaang suicide bomber ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist ng tangkain nitong magpasabog ng bomba sa isang hotel habang arestado naman ang misis nitong Pinay sa operasyon sa Davao City nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Davao City Police Director P/Sr. Supt. Ronald de la Rosa ang napatay na suspek na si Mohd Noor Fikrie Bin Abd Kahar. Nasakote naman ang misis nitong si Annabelle Nieva Lee, tubong Sorsogon.

Ang JI suicide bom­ber ay nagtamo ng mga tama ng bala sa dibdib, tagiliran, ibabaw ng ari at kanang kamay.

Kasabay nito, ayon sa opisyal ay nasilat naman ang planong pambobom­ba ng grupo ni Kahar sa lungsod.

Ayon kay de la Rosa, nakatanggap sila ng im­pormasyon na nag-check-in dakong alas-7 ng gabi ang mag-asawa sa Sampaguita Hotel na matatagpuan sa panulukan ng Camus at Quirino Street sa lungsod na ito kaya agad na kumilos ang pulis­ya at Task Force Davao ng Phil. Army sa ilalim ni Col. Jerry Besana.

Ang mag-asawa ay may dalang improvised explosive device na plano umano ng mga itong gamitin sa pambobomba sa lungsod. Agad nakipagkoordinasyon ang Davao City Police sa pamunuan ng hotel upang arestuhin ang mga suspek.

Bandang alas-10:30 ng lumabas ng silid ang mag-asawa na inaaba­ngan na ng mga elemento ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) habang nasa labas naman ang mga pulis at Task Force Davao na aaresto sana sa mga suspek.

Sa halip na sumuko ay nagtatakbo palabas ng hotel sa kalapit na People’s Park ang mag-asawa na magkayakap kung saan ay biglang sumigaw si Fikrie ng “If you arrest or shoot me, I have a  bomb, I will explode it,” habang hawak ang cellphone na triggering device at nasa backpack naman na kinuha nito sa kaniyang misis ang Improvised Explosive Device (IED) bunsod upang dumistansya ang arresting team.

Agad binigyan ng direktiba ni Besana ang security forces upang walang maitalang ‘collateral damage’ lalo na at maraming mga sibilyan sa People’s Park. 

Ang suspek ay galing umano sa Cotabato City na namonitor nilang pumasok sa Davao City kaya agad silang umalerto.

Lingid sa kaalaman ng suspek ay nakaposisyon na rin ang mga sniper ng SWAT kung saan isang putok ang pinakawalan na sumapul sa katawan nito na nasundan pa na siya nitong ikinamatay bago pa man mapasabog ang bomba.

Narekober mula sa napaslang na JI ang isang bomba na gawa sa 60mm mortar na matagumpay namang na-detonate ng security forces.

 

 

ANNABELLE NIEVA LEE

COTABATO CITY

DAVAO CITY

DAVAO CITY POLICE

DAVAO CITY POLICE DIRECTOR P

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

JEMAAH ISLAMIYAH

JERRY BESANA

TASK FORCE DAVAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with