Approval rating ni PNoy mataas pa rin
MANILA, Philippines - Nanatiling mataas ang approval at trust rating ni Pangulong Aquino, base sa survey ng Pulse Asia.
Nakapagtala ng 78 porsyentong approval si Aquino sa survey noong Nobyembre. Pinakamataas na naitalang approval rating ng Pangulo ay 79 porsyento noong Oktubre 2010 at ang pinakamababa ay 67 porsyento noong Mayo.
Tumaas naman sa anim na porsyento ang disapproval rating ni Aquino mula sa apat na porsyento noong Setyembre. Ang trust rating naman ni Aquino ay tumaas sa 80 porsyentong mula sa 78.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents mula Nob. 23-29.
Pinakamataas ang performance rating ng Aquino government sa paglaban sa kriminalidad, korupsyon, pagpapatupad ng batas sa mayaman at mahirap, pagpapalaganap ng kapayapaan, pagpapahinto sa pagkasira ng kalikasan, pakikipaglaban sa teritoryo ng bansa, pagpapataas sa sahod at pagpaparami sa trabaho.
- Latest