^

Bansa

Pagharang sa ‘food convoy’ sa Davao posibleng maulit - Enrile

Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagbabala si Cagayan First District Rep. Juan “Jack” C. Ponce Enrile Jr. na posibleng maging mas masahol pa sa pagharang sa mga ‘food convoys’ sa ilang bahagi ng Davao ng mga nagugutom na biktima ng bagyong ‘Pablo’ ang sumambulat sa mga darating na araw kung hindi agad tutugunan ng pamahalaan ang problema sa sapat na suplay ng pagkain.

Sabi ni Enrile, nakalulungkot ang naturang eksena kung saan mistulang mga nagugutom na tao sa mahihirap na bansa sa Africa ang sitwasyon ng mga biktima sa kabila ng katotohanang mayaman sa likas na yaman ang bansa at hindi problema ang produksyon ng pagkain.

Bilang sagot sa problema, inihain ni Enrile ang HB 4626 na naglalayong itakda ang isang kumprehensibong programa sa suplay ng pagkain (comprehensive national food availability plan).

Ayon sa kanya, ang HB 4626 ay magsisilbing “balangkas” para sa mga lider ng pamahalaan upang itaas ang antas ng produksyon ng pagkain partikular na sa kanayunan sa pamamagitan ng isang “makatotohanang” programa sa agrikultura.

Sapul nang isumite ni Enrile sa Kongreso noong Mayo 11, 2011 ang HB 4626, hinihimok na niya ang ‘bipartisan support’ ng mga kapwa-mambabatas dala ng kahalagahan nito sa mga kasalukuyang pangyayari.

Titiyakin din ng kanyang panukala na agarang may sapat na suplay ng pagkain sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad katulad ng mga lugar ngayon sa Mindanao na nabiktima ni Pablo.

Si Enrile ay punong tagapagtaguyod ng “food sovereignty” para sa mga Pilipino at isa sa mga nangungunang kandidato sa Senado sa ilalim ng UNA.

AYON

BILANG

CAGAYAN FIRST DISTRICT REP

DAVAO

ENRILE

KONGRESO

MINDANAO

PONCE ENRILE JR.

SI ENRILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with