^

Bansa

Sin tax epektibo na sa Enero 2013

Malou Escudero at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Niratipikahan na kagabi ng Senado ang bicameral conference committee report na naglalayong itaas ang excise taxes ng alak at sigarilyo.

Ayon kay Senator Franklin Drilon, acting chairman ng Senate Committee on Ways and Means, inaasahan nilang magiging epektibo ang sin tax reform law sa pagpasok ng Enero 1, 2013.

Inaasahang aabot sa P33.96 bilyon ang karagdagang buwis na makokolekta ng gobyerno mula sa alak at sigarilyo.

Nagkasundo ang mga mambabatas na bawat pakete ng sigarilyo ang buwis na ipapataw sa pagpasok ng Enero 1, 2013 ay P12 sa bawat pakete; P15/pack sa 2014; P18/pack sa 2015; P21/pack sa 2016 at unitary rate na P30 sa bawat pakete sa 2017.

Ang apat na porsiyentong pagtaas na P30 sa bawat pakete ay magsisimula sa 2018 at sa mga susunod pang taon.

Kinondena naman ni House Deputy Minority Leader Mitos Magsaysay ang naaprubahang sin tax bill dahil nananatili umano na anti-poor ang mga probisyon dito na naunang napagkasunduan na dapat baguhin.

Nagbabala si Magsaysay ng Zambales sa mabilisang pagpapasa at pag-aapruba sa bicameral conference committee ng sin tax bill dahil hindi naman umano ito makatutulong sa mga mahihirap.

Pinangangambahan din ng kongresista na dahil sa mataas na buwis ay mangangahulugan lamang ito na maraming manggagawa o magsasaka ng tabako ang posibleng mawalan ng trabaho at lalala aniya ang smuggling ng sigarilyo.

Giit ni Magsaysay mayroong 2.9 milyon Filipinos ang nakadepende sa industriya ng tabako ay kapag itinaas ng sobra sobra ang buwis ay mawawalan ng pagkaka­kitaan ang pamilya ng mga magtatabako sa bansa.

Pinuna naman ng libu-libong miyembro ng alyansang kontra sin tax na Peoples Coalition Against Regressive Taxation (PCART) ang mga probisyong napagkaisahan sa bicameral committee conference kahapon at isinisi ang naganap na maniobrahan sa pinakuhuling mga pagbabago sa panukalang batas sa gobyernong Aquino.

Hindi makapaniwala ang mga manggagawa nang mabalitaan nilang inalis ng bicameral committee ang mga probisyong dati nang itinakda na nagkakahalaga sa isang bilyong piso bilang unemployment insurance at para sa pangkabuhayang pagsasanay ng mga manggagawang matatanggal sa trabaho.

Inalis din ng bicameral committee ang probisyong nakatakda naman para sa benepisyo ng mga magbubukid ng tabako.

AQUINO

AYON

COMMITTEE

ENERO

HOUSE DEPUTY MINORITY LEADER MITOS MAGSAYSAY

MAGSAYSAY

PEOPLES COALITION AGAINST REGRESSIVE TAXATION

SENATE COMMITTEE

WAYS AND MEANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with