^

Bansa

Mandaluyong target maging 1st Green City

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatanggap ng malaking suporta ang Mandaluyong City mula sa World Bank, sa pamamagitan ng funding arm nitong International Finance Corporation, upang makamit ng lungsod ang titulo bilang unang Green City sa Pilipinas bilang pagkilala sa mga pagsisikap ni Mayor Benhur Abalos na panga­lagaan ang kalikasan.

Sinabi ni Mayor Abalos ang ayuda ng WB sa paglulunsad ng BioLED, isang alternatibong lighting system na nakakatipid ng hanggang 80% sa gamit ng kuryente ay malaking tulong sa local government.

“Ang kasunduan at suporta mula sa IFC ang tutulong sa atin upang makamit ang malaking karangalan bilang unang Green City sa Pilipinas,” sabi ni Abalos. “Tamang tama ang pagpasok ng BioLED sa Mandaluyong at tiyak na isa sa mga unang magi­ging kliyente ninyo ay ang Siyudad ng Mandaluyong.”

Ayon kay dating Olympic swimmer at Games and Amusements Board Chairman Eric Buhain, president at CEO ng LUMSENSE, lahat ng mga produktong iniaalok ng kanilang kumpanya gaya ng BioLED ay kakampi ng kalikasan.

Sinabi niyang tamang tama ang BioLED na gamiting pailaw sa mga lugar kung saan maghapon at magdamag na kailangan ng liwanag tulad sa mga parking area sa loob ng mga gusali, gayundin sa mga tunnel at fire exits.

“Nalulugod kami dahil katuwang na ng World Bank ang Mandaluyong upang makamit ang pagi­ging Green City, at isang karangalan sa amin na makatulong sa adhikaing ito,” sabi ni Buhain.

Ayon naman kay Yun Yeong Cheol, Chairman ng IDSYS Co. Ltd., ang kanilang kumpanya ay kinikilala sa Korea dahil sa reputasyon nitong mahusay gumawa ng mga makabagong teknolohiya katulad ng BioLED na ginagamit sa pinakamala­laking gusali at proyekto sa natu­rang bansa.

“We hope our pre­sence in Mandaluyong will help its clean and green program,” sabi ni Mr. Yun.

Ang BioLED ay isang produktong may artipisyal na talino at gumagamit ng mga sensor upang awtomatikong pahinain ang liwanag ng mga ilaw kung walang gumagalaw na bagay sa paligid nito. Dahil dito, nakatitipid ang gumagamit sa konsumo sa kuryente ng hanggang 80%.

vuukle comment

AYON

GAMES AND AMUSEMENTS BOARD CHAIRMAN ERIC BUHAIN

GREEN CITY

INTERNATIONAL FINANCE CORPORATION

MANDALUYONG

MANDALUYONG CITY

MAYOR ABALOS

MAYOR BENHUR ABALOS

WORLD BANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with