^

Bansa

Bagyong Pablo humina pero nasa Ilocos pa din - PAGASA

Pang-masa

MANILA, Philippines - Patuloy na humina ang bagyong Pablo bilang isang namumuong sama ng panahon bago magtanghali kahapon, ngunit nanatiling nakatigil ito malapit sa lugar ng Ilocos, ayon sa Philippine Atmos­pheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa pang alas 11 update ng Pagasa, sinabing si Pablo ay tina­tayang nasa 80 km sa kanluran ng Laoag City ng 9 ng umaga, na may maximum na hangin na 55 kph malapit sa gitna.

Sinabi ng PAGASA si Pablo ay gumagalaw sa silangan-hilagang-silangan ng mabagal at inaasahan na 40 km sa hilaga ng Laoag, Ilocos Norte Martes ng umaga.

Pero sa latest bulletin ng PAGASA ay inilagay na lamang sa Low Pressure Area ito matapos tuluyang humina si Pablo.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (RDMMC) ay umabot na sa 540 katao ang iniuulat na nasawi sanhi ng bagyong Pablo habang 827 pa din ang iniulat na missing.

Gayunpaman, maaa­ring magdala ito ng ulan ng 5 hanggang 10 mm kada oras (katamtaman hanggang malakas na) sa loob ng 300-km diameter.

Pinayuhan pa rin na ang mga bangkang pa­ngisda at iba pang mga bapor ay huwag ng maki­pagsapalarang pumalaot sa Hilaga at Gitnang Luzon.

Samantala, apat na survivor naman ng bag­yong Pablo ang nailigtas ng patrol boat ng BFAR habang isang casualty din ang nakita ng mga ito sa kanilang search and rescue operations sa Mindanao.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, patuloy pa din ang search and rescue operations ng BFAR upang hanapin ang iniulat na nawawalang mga ma­ngingisda.

Iniutos din ni Pangulong Aquino sa PNP na siguruhing ligtas ang mga mamamayan at matigil ang nangyayaring ‘looting’ sa mga apektadong lugar ni bagyong Pablo. (Ricky Tulipat/Rudy Andal)

 

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

GITNANG LUZON

ILOCOS NORTE MARTES

LAOAG CITY

LOW PRESSURE AREA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL

PABLO

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE ATMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with