^

Bansa

Arraignment ni Zaldy Ampatuan sa Dis. 12 na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinakda na ng QC Regional Trial Court ang pagbasa ng sakdal kay dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan kaugnay sa kinakaharap nitong kasong multiple murder sa Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009.

Babasahan ng sakdal si Zaldy sa Disyembre 12, alas-9:00 ng umaga sa QC RTC extention office sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ayon kay QC Judge Jocelyn Solis Reyes, walang basehan ang mga naging hirit ni Zaldy upang tanggalin ito sa listahan ng mga akusado sa malagim na pagpatay sa 58 katao kabilang na ang 32 mga mamamahayag.

Una rito, ibinasura ng Supreme Court ang hiling ni Zaldy maalis sa listahan ng mga akusado sa krimen dahil wala naman daw sapat na basehan na nagdiiin sa kanya kaugnay ng kaso.

Sa nasabing reso­lusyon, ibinasura ng SC ang ikalawang motion for reconsideration ni Ampa­tuan dahil sa kawalan ng merito.

 

vuukle comment

AMPA

AYON

BABASAHAN

CAMP BAGONG DIWA

DISYEMBRE

JUDGE JOCELYN SOLIS REYES

REGIONAL TRIAL COURT

SUPREME COURT

TAGUIG CITY

ZALDY

ZALDY AMPATUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with