Ex-PNB exec kulong ng 105 years
MANILA, Philippines - Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng 105 taon si dating PNB Asst. Dept Manager Herman Limbo ng Cagayan de Oro branch dahil sa check fraud na milyon-milyon ang halaga noong 1995.
Sa 71-pahinang desisyon na nilagdaan nina Associate Justice Rafael Lagos, Associate Justices Efren de la Cruz at Rodolfo Ponferrada, napatunayang guilty si Limbo sa kasong paglabag sa 15 counts ng Section 3 (e) ng Republic Act 3019 kayat bukod sa kulong ng 105 taon ay hindi rin ito maaring manungkulan pa sa alinmang tanggapan ng gobyerno.
Pinagbabayad din ng graft court si Limbo ng mahigit sa P35 milyon dahil sa civil liability sa 7 kasong kriminal.
Si Limbo at PNB asst. cice president Erlinda Archinas ay patuloy na pinaghahanap ng batas bilang mga principal na akusado sa 16 na impormasyong naisampa laban sa mga ito hinggil sa pagpabor ng mga ito na ma-encash ang 49 out-of-town checks sa iba’t ibang okasyon na ipinagbabawal sa PNB bank policy at BSP regulations.
Sinabi din ng graft court na pawang kasinungalingan ang pahayag ni Limbo na nilagay niya ang salitang encashment sa pagpapalit ng tseke upang agad na makakuha ang PNB CDO ng komisyon.
- Latest
- Trending