^

Bansa

5-year term sa Brgy., SK lusot sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lusot na sa Senate Committee on Local Government ang panukalang batas na naglalayong gawing 5 taon ang termino ng mga barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials mula sa kasalukuyang 3-year term.

Ang panukala na nakapaloob sa Senate Bill 3296 ay lumusot sa nasabing komite na pinamumunuan ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Naniniwala si Marcos na dapat lamang na madagdagan ng dala­wang taon o hanggang 2015 ang 3-year term ng mga kasalukuyang barangay at SK officials na nahalal noong Oktubre 25, 2010 at matatapos sa Oktubre 2013.

 Kung ganap na magiging batas hindi na magkakaroon ng synchronized barangay at SK officials sa Oktubre 2013 at sa halip ay gagawin ito sa Oktubre 2015 at tuwing ika-limang taon matapos ito.

Ikinatuwiran pa ni Marcos na makakatipid ang pamahalaan ng bilyong piso dahil hindi na magsasagawa ng halalan para sa barangay at SK officials tuwing ikatlong taon na pinopondohan ng P3-bilyon.

Ipinaalala rin ni Marcos na ang mga nangyaring postponement sa barangay at SK elections noong mga nakaraang panahon dahil sa kakulangan ng pang-tustos dito ay isa ring dahilan kung bakit pinagsasabay na lamang ang halalan para sa nasabing mga posisyon.

BONGBONG

FERDINAND

IKINATUWIRAN

IPINAALALA

LOCAL GOVERNMENT

LUSOT

OKTUBRE

SANGGUNIANG KABATAAN

SENATE BILL

SENATE COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with