Loren nanguna muli sa survey
MANILA, Philippines - Muling nanguna si Sen. Loren Legarda sa isinagawang survey ng RMN sa kanilang mga radio listeners mula Oct. 23-31. Sa survey ng RMN, nakakuha si Sen. Legarda ng 65.67 percent sa Mega Manila habang pumangalawa lamang sa kanya si Sen. Chiz Escudero na nakakuha ng 50.09 % at ikatlo naman si Sen. Alan Peter Cayetano na may 51.38 percent.
Naungusan din ni Sen. Loren si Escudero sa Visayas kung saan ay nakapagtala si Legarda ng 63.77 percent habang nasa 57.6 percent lamang si Escudero habang sa Mindanao naman ay nanguna pa din si Legarda na may 68.18 percent habang si Escudero ay 59.05 percent lamang. Sa Luzon ay nanguna naman si Escudero na may 65.43 percent at sinundan ni Legarda na may 59.42 % at ikatlo si Cayetano na may 53.09 percent. Ang nasabing datos ay mula sa 4,500 random selected respondents ng RMN sa buong bansa mula Oct. 23-31. Ang RMN research department at RMN ang nagsagawa mismo ng survey.
- Latest