SC magtitipid na sa papel
MANILA, Philippines - Isinusulong ng Korte Suprema ang paperless judiciary na layuning makatipid sa papel at makatulong sa pagpoprotekta sa kalikasan.
Nag-isyu ang Supreme Court En Banc ng Efficient Use of Paper Rule, na nangangahulugan na ima-maximize ang paggamit sa bawat pahinang papel sa mga ilalabas na desisyon o resolusyon at maging sa mga pleadings na ihahain ng mga partido.
Kailangang iwasan ng SC ang sobrang paggamit ng mga papel, iligtas ang mga kagubatan, makaiwas sa pagguho ng lupa at mapabagal ang masamang epekto ng climate change na nararanasan ng mundo.
Ang Rule ay ipatutupad sa lahat ng korte at quasi-judicial bodies na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Korte Suprema sa January 2013.
Bilang paghahanda na rin sa e-filing paperless system sa Judiciary, ang mga may usapin ay inatasan din na ipadala sa email ng SC o ilagay sa compact disc ang pleadings.
- Latest