P15M shabu sa NAIA kuha
MANILA, Philippines - Nahuli ng mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rosano “Ruffy” Biazon ang isang babaeng Vietnamese national na pinaniniwalaang drug mule matapos makumpiskahan ng mahigit dalawang kilong shabu na tinatayang P15 milyon ang halaga kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Pasay City.
Kinilala ni Biazon ang suspek na si Pham Thi Anh Tuyet, nasa hustong gulang na dumating sa NAIA Terminal 1 alas-12:30 ng tanghali sakay ng Gulf Air Via flight 154 mula Ghana, Africa via Bahrain.
Habang isinasalang sa x-ray machine ang bagahe ng suspek ay napansin ng mga tauhan ng Task Force React BoC, NAIA personnel at PDEA ang kahina-hinalang kargamento. Nang buksan ang bagahe ay tumambad sa kanila ang crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, na nakalagay sa isang sealed compartment na may timbang na 2.838 kilos.
Kaagad na dinakip ang dayuhan, na sumasailalim ngayon sa interogasyon.
- Latest