Buyer ng properties ng mga Ampatuan kinasuhan ng BIR
MANILA, Philippines - Kinasuhan ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice ang sinasabing buyer ng Ampatuan properties na si Atty. Arnel Cortoez Manaloto bunga ng umano’y kabiguan nitong sabihin ang tamang impormasyon ng kanyang Income Tax Return (ITR), bigong i-file ang kanyang Value-Added Tax (VAT) Returns at bigong magrehistro para sa VAT Taxable Year 2011 na isang paglabag sa Tax Code.
Kasabay nito, kinasuhan din ng tax evasion ang CPA nitong si Erwin Sicangco Carreon na nag-examine at nag-audit ng books of accounts at iba pang accounting records ni Atty. Manaloto noong 2011 na nagpapakita ng mga maling impormasyon sa financial statements ng naturang abogado.
Si Manaloto ay nagsabing may kinita lamang na P1.495 milyon noong 2001 gayung umaabot ito sa P17.50 milyon na nagpapakita ng malaking pagkakaiba at bigong isama dito ang financial statement na kinita na may P20 milyon na sinasabing ginamit sa pagbili sa walong (8) properties ni Andal Ampatuan, Jr. sa Davao City.
Umaabot sa P37.97 milyong kita ni Manaloto ang hindi naipabatid sa BIR. Bunga nito, bukod sa kasong paglabag sa Tax code, pinagbabayad din si Manaloto ng total tax liability ng halagang P27.56 milyon para sa taong 2011 kasama na dito ang VAT at income tax.
- Latest