Taguig walang red tape - DILG
MANILA, Philippines - Kinilala ng Department of Interior and Local Government ang lungsod ng Taguig sa matagumpay na kampanya nito laban sa red tape.
Binigyan ng markang excellent ng DILG sa kanilang Anti-Red tape Report Card si Taguig City Mayor Lani Caye tano dahil sa naging aksyon nito na putulin ang red tape sa lokal na pamahalaan.
“Nakakuha ang City Government of Taguig ng iskor na 90.11 na katumbas ng markang excellent. Pumasa ito sa limang kategorya ng paglaban sa red tape, frontline service provider, service quality, physical working condition at overall satisfaction,” nakasaad sa report ng DILG.
Binigyang pansin pa ng DILG na sa loob ng dalawang taon lamang na panunungkulan ni Cayetano ay nagawa nitong solusyunan ang red tape sa lungsod kasabay ng paghikayat din ng ahensya sa ibang lungsod na tularan ito.
Ayon sa DILG, kailangan lamang ang seryosong reporma laban sa kampanya sa red tape na siyang ginawa umano ng Taguig.
Samantala kinilala rin ang Taguig Public Employment Service Office (PESO) ng Department of Labor and Employment (DOLE) bilang Best in Skills Registry System (SRS) sa Metro Manila sa magkasunod na taon bukod pa sa ibinigay na parangal ng POEA sa Taguig-PESO dahil sa aktibong paglahok sa kampanya kontra illegal recruitment pangalawa sa Quezon City.
Bilang reaksyon sa mga parangal na nakamit ng lungsod sinabi ni Cayetano na magsisilbi itong inspirasyon na pagbutihin pa lalo ang trabaho.
- Latest