Missing Pinoy sa oil rig blast, natagpuang patay
MANILA, Philippines - Matapos ang halos dalawang linggong search and rescue mission sa karagatan, natagpuan na ang katawan ng isang Pinoy na nawawala sa pagsabog ng isang oil rig sa Port ng Mexico sa Louisiana, USA kamakailan.
Kinumpirma kahapon ni Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez ang pagkakarekober sa Pinoy na si Jerome Malagapo, 28, tubong Cebu, sa karagatan malapit sa sumabog na oil platform na pag-aari ng Black Elk Energ noong Nobyembre 16.
Una rito ay natagpuan ng mga divers sa karagatan ang isang hindi kilalang katawan ng lalaki noong Lunes at kamakalawa lamang nakumpirma ng US authorities na ito si Malagapo na nakilala sa pamamagitan ng kanyang dentures o ngipin.
Inaayos na ang repatriation sa mga labi ni Malagapo habang ngayong linggo inaasahang darating sa bansa ang dalawa pang Pinoy na sina Ellroy Corporal, 42, tubong Iligan at Avelino Tajonera, 49, isang welder na nasawi rin sa pagsabog.
- Latest