^

Bansa

Fil-Am shooter huli sa mga piyesa ng baril

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang Fil-Am shooter ang inaresto kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 matapos makumpiskahan ng iba’t ibang piyesa ng mga baril na umano’y illegal na ipinasok sa bansa.

Kinilala ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon ang suspek na si Clint Obusan Pardo, may sapat na gulang at napag-alaman na sasali sa isang shootfest competition na gaganapin sa Ilocos.

Sa ulat ni Biazon, si Pardo ay nanggaling sa Los Angeles, California sakay ng PAL flight PR 103 at dumating sa paliparan dakong alas-5:30 ng umaga.

Habang nagsasagawa ng inspection ang pinagsanib na pwersa ng BoC, NAIA  at Natio­nal Bureau of Investigation (NBI) Interpol, natuklasan ng mga awtoridad na ang ibang gun accessories na dala ng suspek ay walang mga permit mula sa PNP-Firearms and Explosives Unit kaya kinumpiska ang mga piyesa ng mga baril tulad ng isang pirasong upper receiver ng M-16, 23 pirasong barrel ng caliber 40 at 6 pirasong slide na walang permit kaya’t idineklara itong iligal.

 

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INVESTIGATION

CLINT OBUSAN PARDO

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

FIREARMS AND EXPLOSIVES UNIT

HABANG

ILOCOS

ISANG FIL-AM

LOS ANGELES

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with