^

Bansa

Pamemeke ng titulo ng lupa, heinous crime

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling binubuhay sa Kamara ang panukala upang gawing heinous crime ang pamemeke ng titulo ng lupa.

Sa House Bill 787 na inihain ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., kung sindikato ang sangkot sa large scale na pamemeke ng titulo ng lupa ay mayroon itong katapat na habang buhay na pagkakakulong.

Subalit kung indibidwal lang ang sangkot sa pamemeke ay mayroon itong katapat na parusang 15 hanggang 30 taong pagkakakulong.

Maituturing naman na large scale ang ganitong illegal na raket kung tatlo o higit pa ang titulong pineke ng sindikato.

Ang naturang panukala ay inihain noon pang Hulyo 2010 subalit hindi na gumagalaw sa House Justice Committee.

Subalit pilit itong binubuhay ngayon dahil sa dami ng insidente ng mga panloloko ng ilang indibidwal at sindikato na nagbebenta ng lupang peke ang titulo.

Giit ni Gonzales, napapanahon na ang ganito kabigat na parusa dahil dumarami ang mga taong hindi gumagalang sa Torrens system ng bansa.

AURELIO GONZALES JR.

GIIT

GONZALES

HOUSE JUSTICE COMMITTEE

HULYO

KAMARA

MAITUTURING

PAMPANGA REP

SA HOUSE

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with