^

Bansa

Pondo ng brgy. inipit, mayor kinasuhan

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Abuse of Authority sa Office of the Ombudsman si Alaminos City Mayor Hernani A. Braganza makaraang hindi umano nito ilabas ang pondo ng barangay at kinumpiska pa umano nito ang may 11 barangay patrol service vehicle na isyu sa kanila ng pamahalaan.

Bukod sa Alkalde, kinasuhan din sina Alaminos City Administrator Wilmer S. Panabang, Budget Officer Rowena F. Ruiz, City Treasurer Shirley R. dela Cruz at City Planning Development Officer Roel I. Anonuevo.

Ang mga nagsampa ng demanda laban kina Mayor Braganza ay sina Barangay Chairmans, Jessie B. Racraquin, Ester M. Bernal, Eusebio R. Fronda, Jr., Ronald C. Bautista, Milagros C. Payas, Joeffrey Orfinada, Samuel R. Alcantara, Trinidad R. Soriano, Victor C. Ranches, Mario P. Rabadon at Joe Regatcho.

Base sa reklamo, inipit at hindi umano ibinigay ng Alkalde ang pondo mula noong 2010 hanggang 2012 sa mga barangay ng Amandiego, Balayang, Baleyadaan, Cayucay, Landoc, Pangapisan, Poblacion, San Vicente, Telbang, Victoria at Balangobong na aabot sa P1.7 milyon bilang kanilang Barangay Aid appropriations.

Sinasabing ang inipit na pondo umano ay ‘yearly financial aid’ ng mga nabanggit na barangays na aprobado ng City Appropriation ordinance of 2010-2011.

Ayon sa mga complai­nant, ang ginawa umano ng mga respondents ay acts of oppression, grave misconduct at inabuso ang kanilang posisyon kaya sila nagsampa ng demanda sa Ombudsman.

ABUSE OF AUTHORITY

ALAMINOS CITY ADMINISTRATOR WILMER S

ALAMINOS CITY MAYOR HERNANI A

ALKALDE

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BARANGAY AID

BARANGAY CHAIRMANS

BUDGET OFFICER ROWENA F

CITY APPROPRIATION

CITY PLANNING DEVELOPMENT OFFICER ROEL I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with