Pang-alis stress PNoy nag-story telling sa DepEd
MANILA, Philippines - Upang mapawi ang stress ay pinangunahan ni Pangulong Aquino ang nanguna kahapon pagbabasa ng mga magagandang kuwento ng buhay sa ‘storytelling session’ ng Department of Education kasabay ng pagdiriwang ng “Araw ng Pagbasa”.
Sa storytelling ng Pangulo sa mga Grade V pupils, sa T. Alonzo Elementary School sa Project 4, Quezon City ay kanyang sinabi na ang importansiya ng pagbabasa ay pundasyon ng karunungan.
Ang Araw ng Pagbasa ay taunang ‘advocacy program’ ng DepEd na sabay-sabay na isinasagawa sa iba’t ibang paaralan sa bansa.
Ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro nakarating sa kanyang kaalaman na dumaranas ng matinding stress ngayon ang Pangulong Aquino kaya inimbitahan niya na ito ang manguna sa pagbabasa.
- Latest