^

Bansa

Hiling na refund sa Meralco, tinabla ng CA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang naging desisyon ng  Makati Regional Trial Court (RTC) na nagbasura sa class suit na inihain ng ilang grupo ng consumer laban sa  Manila Electric Co. (Meralco) at iba pang respondents kaugnay sa kanilang kahilingan na refund sa singil sa kuryente.

Sa 18-pahinang kautusan na isinulat ni Associate Justice Agnes Reyes-Carpio na ipinalabas noong Nobyembre 15, 2012, ibinasuta ng CA’s Eight Division ang inihaing apela ng  Equal Justice for All Movement na pinangunahan ni Leonardo de Vera sa hiling na ipawalangsaysay ng korte ang naunang desisyon ng Makati RTC  kaugnay sa P13-bilyong refund na iligal umanong kinolekta ng Meralco sa consumers.

Maliban sa Meralco, sangkot din sa kaso ang  Energy Regulatory Commission (ERC), National Power Corporation (Napocor) at iba pang respondents.

Una nang naghain ng ‘plea for a temporary restraining order and a writ of preliminary injunction’ ang nabanggit na mga grupo upang hindi na magawa pang ipasa ng Meralco ang nasabing charges sa mga consumer.

Kabilang pa sa hiling ng grupo na atasan ng korte ang Meralco na pabuksan ang libro para sa auditing at  accounting na ibinasura din ng mababang korte kaya umakyat na sa CA.

ALL MOVEMENT

ASSOCIATE JUSTICE AGNES REYES-CARPIO

COURT OF APPEALS

EIGHT DIVISION

ENERGY REGULATORY COMMISSION

EQUAL JUSTICE

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

MANILA ELECTRIC CO

MERALCO

NATIONAL POWER CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with