Small players ng tabako mamamatay sa Senate tax
MANILA, Philippines - Bagaman at bumaba ang excise tax rates na ipinasa ng Senado kumpara sa orihinal na bersiyon na isinulong ng Department of Finance, naniniwala pa rin ang Associated Anglo American Tobacco Corporation na mamamatay ang mga small local manufacturers ng tobacco industry na kinakailangang maglabas ng malaking pondo para sa pagbabayad ng tax.
Ito ang sinabi ni Blake Dy, vice-president ng AAATC, kaugnay sa pinal na bersiyon ng excise tax bill na inaprubahan ng Senado.
Naniniwala ang AAATC na nabalewala ang hinaing ng mga maliliit na gumagawa ng sigarilyo at mas napaboran ang mga manufacturers ng mga premium imported brands.
Ayon kay Dy, mas ki nakailangan ngayong magbawas ng mga manggagawa ang mga maliliit na manufacturers kumpara sa mga big players ng industriya.
Posible rin umanong mas tangkilikin na ng mga smokers ang mga ilegal na sigarilyo dahil mas ma giging mababa ang presyo nito.
Nagbabala rin si Dy na mamamatay ang ‘viability ng mga native na sigarilyo dahil magiging kapantay lamang ng mga ‘white cigarettes’ ang ipapataw ditong buwis.
“If the price of native cigarettes goes up from 6 to 18 pesos in 2013 everyone will just switch to white cigarettes like Fortune or Marlboro,” ani Dy.
Hindi rin umano nakakatulong sa mga lokal na magsasaka ang mga imported brands dahil hindi dito sa Pilipinas kinukuha ang tobacco leaf na ginagamit sa paggawa nito.
Ayon pa kay Dy, 63 taon na silang gumagawa ng sigarilyo at marami na ring mga naging trabahador na Filipino na posibleng mawalan na ng trabaho sa sandaling pumasa ang sin tax bill.
- Latest