12 partylist pa ibinasura
MANILA, Philippines - Tinanggihan ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang aplikasyon ng 12 grupo upang makalahok sa 2013 elections.
Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, na ang mga grupong Manila Teachers, ALA-EH, SEL-J, Kasambahay, 1 Serve the People, Ako An Bisaya, Abyan Ilonggo, Democratic Alliance, 1 Para sa Bayan, 1 Alliance Advocating Autonomy, Alab ng Pusong Pinoy at Akbay Kalusugan ay hindi bibigyan ng akreditasyon para makalahok sa darating na halalan dahil hindi naman sila tunay na kumakatawan sa marginalized sector.
Ipinaliwanag ng opisyal na ang Abyan Ilonggo ay isang regional multisectoral group tulad ng Ako Bicol na una na nilang diniskwalipika.
Isa sa mga nominee ng Abyan Ilonggo si dating Cong. Rolex Suplico, habang ang isa rin sa nominee ng 1 Alliance Advocating Autonomy ay isang dating kongresista na si Pantaleon Alvarez na dati ring naging kalihim ng DOTC noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
- Latest