^

Bansa

Kahit walang college degree ang kandidato nananalo, karamihan ng botante ‘bobo’ - Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang buwan bago ang eleksiyon sa Mayo 2013, sinabi ni Senator Miriam Defensor-Santiago na nagdudulot ng maraming problema ang eleksiyon dahil mayorya ng 50 milyong botante ay hindi intelihente at hindi edukado sa pagboto.

Sa kanyang talumpati na may pamagat na “The Problem with Elections” sa harap ng mga mag-aaral ng Far Eastern Uni­versity kamakalawa, pinuna ni Santiago na nag-uugat ang problema sa kawalan ng “literacy requirement” sa mga bo­tante at halos wala ring educational attainment na hinihingi sa mga kandidato.

Pinuna rin ni Santiago na dito sa Pilipinas hindi maaring maging pulis ang mga mamamayan na hindi nakatapos ng kolehiyo pero maaaring maging presidente, vice president, senador at congressmen ang sinuman na walang college degree.

Kaugnay nito, nagba­bala si Santiago sa mga kabataang botante tungkol sa iba’t ibang ‘election distortion’ sa pagpili ng mga ihahalal na kandidato.

Inihalimbawa ni Santiago ang pagkontrol ng mga political parties sa pagpili ng mga kandidato na sigurado ang panalo.

Hindi pa rin aniya na­aalis ang vote-buying ng mga mayayamang kandidato kung saan ang ka­ramihang ginagamit ay mga mahihirap o masa.

Kalimitan din uma­nong nahihikayat ang mga Filipinong bo­tante ng per­sonal appeal ng mga kandidato kaya ma­rami pa ring artista at sikat na personalidad ang nananalo.

 

FAR EASTERN UNI

FILIPINONG

INIHALIMBAWA

KALIMITAN

KAUGNAY

LIMANG

PILIPINAS

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with