^

Bansa

P352M intel funds ng PCSO nalustay

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalustay umano ang P352.68 million sa confidential intelligence funds (CIF) ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa huling tat­long taon ng Arroyo administration.

Sa dokumentong ni­lag­ daan ni Mercedes J. Hi­­nayon, acting mana­ger ng treasury department ng PCSO, si dating PCSO general manager Rosario Uriarte ay nag-withdraw ng P352.68 mula sa PCSO CIF mula 2008 hanggang June 2010. 

Ang general manager at chairman ng PCSO ay may karapatang tumanggap ng taunang CIF na P5 million kada taon.

Ang CIF ay unang ipi­­natupad sa Estrada ad­ministration para pondo­han ang charitable ac­tivities at proyekto ng ahensya sa poorest of the poor, partikular ang mga nasa malalayong lugar.

Ibinunyag din ni Hinayon na si dating PCSO chairman Sergio Valencia ay gumastos lamang ng P13.31 million sa CIF mula 2008 hanggang 2010, na mas mababa pa sa authorized na P15-million allocation para sa three-year period.

Sina Uriarte at Valencia, kasama ang iba pang dating PCSO officials, ay co-accused  nga­­yon sa plunder case na kinakaharap ni dating President Gloria Arroyo.

 

HINAYON

IBINUNYAG

MERCEDES J

NALUSTAY

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PRESIDENT GLORIA ARROYO

ROSARIO URIARTE

SERGIO VALENCIA

SHY

SINA URIARTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with